Dilemmas of Growing Old



I immediately remember my grandmother after only reading a few lines of the article below. At a certain extent, events flashed back as to how she had sacrifice for the family during our younger years. And as a payback, I personally took care of my grandmother before she died at the age 87. Imma, as most of us fondly call her, suffered minor stroke in 1999 before she died in June 2002. This was the primary reason why she needed special amount of care and attention since she was half-paralyzed. During my presence, I would serve her meals, assist her in her daily daily bath, and would dress her also. My grandma was so comforable with how i handle her needs, compared to my other siblings. It was really fulfilling really.

The letter below was purposely addressed by a parent to a child. As grown-up, the parent was seeking a little amount of patience and understanding once the parent reached old age. It pains me to hear incidents of ill-treated and helpless oldies. Yes, we need to make a living, but our responsibities could not be equated with money alone. There must be quality time and physical presence at time. As the old adage say, "Life is just a cycle" - what have we invested will be reaped also.

Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana
akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang
plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang
kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
nalumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

0 comments:

Designed by Posicionamiento Web | Bloggerized by GosuBlogger